Sinibak na police major, aide-driver inaresto

Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon in this photo on her Instagram on Oct. 1, 2023.

Sa pagkawala ng beauty queen

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang sinibak na police major at kanyang aide-driver na pangunahing suspek sa pagkawala ng dating beauty pageant noong Oktubre 12, 2023 sa Balayan, Batangas. 

Hindi na nakapalag ang dating police major na si Allan De Castro, 40 at kanyang aide-driver na si Jeffrey Arriola Magpantay, 34 nang isilbi ang warrant of arrest ng mga otoridad sa kaso ng pagkawala ng da­ting beauty pageant candidate na si Catherine Camilon sa Tuy, noong Oktubre 12, 2023.

Sina De Castro at Magpantay ay kinulong sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Setyembre 4, 2024 ni Hon. Jacqueline Hernandez Palmes, Presi­ding Judge ng Regional Trial Court, 4th Judicial Region, Branch 3, Batangas City.

Walang piyansang inirekomenda para sa pansamantalang kalayaan ng mga akusado na nakalista sa Most Wanted Persons bilang rank no. 1 sa ilalim ng regional level sa Calabarzon region.

Inaresto ng mga ele­mento ng Balayan police operatives sa pangunguna ng hepe nito na si Lt. Col. Merlin Pineda si De Castro, at Magpantay, sa Barangay Caloocan, Balayan, Batangas noong Set­yembre 14 at sinampahan ng kasong kidnapping, ­serious illegal detention sa Batangas Provincial Prosecutor Office at apat na iba pa noong Nob. 13, 2023.

Si De Castro ay na-dismiss sa serbisyo ng pulisya nitong Enero matapos magkaroon ng extra-marital affair sa nawawalang si Camilon. Nakalaya siya sa kustodiya ng pulisya sa Calabarzon police command matapos siyang tanggalin sa serbisyo.

Inamin ni De Castro ang pagkakaroon ng bawal na relasyon sa nawawalang guro ngunit nanatiling itinanggi tungkol sa umano’y pagkakasangkot niya sa pagkawala nito.

Iniulat na ibinasura ng prosecutor office ng Batangas ang mga rek­lamong kriminal laban kina De Castro, Magpantay at apat na john does, gayunpaman, agad na naghain ng apela ang CIDG4A para sa pagba­sura ng mga reklamong kriminal.

Show comments