Harry Roque isa nang pugante

MANILA, Philippines — Isang nang pu­gante sa batas si dating Presidential Spokesman Harry Roque na hinihinalang may kaugnayan sa illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na ni-raid at nasamsaman ng droga ng mga otoridad sa Porac, Pampanga.

Ito ang inihayag ni Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel, dahil sa kabiguan ni Roque na dumalo at isumite ang mga dokumento na makatutulong sa imbestigasyon ng Quad Committee.

Nabigong dumalo sa pagdinig ng Kamara noong nakalipas na Huwebes matapos namang una nang patawan ng contempt na nakulong ng 24 oras dahil sa pagsisinungaling sa mega panel.

Samantalang matapos mapalaya ay walang humpay ang pagbatikos ni Roque sa imbestigasyon ng Quad Comm na tinawag pa itong Kangaroo Court umano.

Show comments