Nurse tinodas ng selosong mister sa kotse

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang nurse nang barilin sa leeg ng kanyang mister habang nagtatalo sa loob ng kanilang kotse sa Dumaguete City, Negros Oriental, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Madelyn Bauzon Kinilitan, 36, tubong Calasiao, Pangasinan at residente ng Barangay Mangnao, Dumaguete City.

Sa report ng pulisya, alas-6:00 ng gabi ay nasa loob ng kotse ang mag-asawa nang magkaroon ng pagtatalo dahil sa may pinagseselosan ang suspek.

Sa kasagsagan ng pagsasagutan ay nagbunot ng baril ang mister na si Ken Lloyd Kinilita, 39, at binaril sa leeg ang misis na nakaupo sa passenger seat.

Nang mapatay ay dinala ng mister ang kotse sa Bag-ong Taytayan, Barangay Tabuc-tubig at doon iniwan ang misis sa loob ng sasakyan sa isang tulay.

Inireport naman ng mga nakadiskubre sa bangkay sa pulisya ang pangyayari. Habang agad na naaresto ang mister sa bahay ng kaibigan.

Lumalabas sa imbestigasyon na pagseselos ng lalaki ang naging ugat ng krimen.

Show comments