Bangkay ng nawawalang misis, natagpuan nakalutang sa lawa

MANILA, Philippines — Isang ginang na unang iniulat na nawawala ng kanyang mister at natagpuang palutang-lutang sa lawa sa Pililla, Rizal nabatid kahapon.

Kinilala lang ang biktima sa alyas na ‘Nelia,’ residente ng Brgy. Wawa, sa Pililla.

Sa ulat ng Pililla Municipal Police Station, alas-9:40 ng uma­ga kamakalawa nang madiskubre ang bangkay ng biktima habang palutang-lutang sa Laguna Lake.

Nauna rito, noong Miyerkules, alas-2:30 ng madaling araw, ay nagi­sing na lang ang mister na wala na ang kanyang asawa sa kanilang bahay.

Hinanap ng mister ang misis at dito may nakapagsabi sa kanya na alas-3:00 ng mada­ling araw ay nakita itong naglalakad sa Manila East Road, malapit sa Hulo Bridge, ngunit hindi na ito umuwi pa.

Nabatid na namamaga na ang bangkay ng biktima nang madiskukbre na indikasyon na matagal nang nakababad ang katawan nito sa tubig.

Ayon sa pulisya ay wala silang nakitang senyales na may foul play sa pagkamatay sa biktima.

Show comments