Obrero, nalunod sa manhole, dedo

MANILA, Philippines — Namatay ang isang 21-anyos na construction worker matapos na mahulog sa manhole at malunod nang tangkain iligtas ng ama na unang nahulog, kahapon ng madaling araw sa Brgy. Bungad, Quezon City.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa Quezon City General Hospital ay kinilalang si Rolando Mejerito Eran, residente ng Mount Carmel, Mountains Heights Subdivision Barangay 183, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) nangyari ang insidente, ala-1:30 ng madaling araw sa No. 24 Bulacan St. Brgy. Bungad, Quezon City.

Nabatid na nililinis ni Roger Eran, ama ng biktima ang manhole nang biglang mahulog sa kasagsagan ng ulan.

Sinagip ng biktima ang ama, subalit siya ang nahulog at nalunod.

Naiahon naman ang biktima at dinala sa ospital subalit binawian din ng buhay.

Show comments