Gustong kapalit ng Indonesia para kay Alice, ‘di pa puwede i-deport

Alice Guo at Gregor Haas

MANILA, Philippines — Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na hindi pa puwedeng patalsikin sa Pilipinas ang Austra­lian national na si Gregor Haas, na hinihingi ng Indonesian government na kapalit ni Alice Guo dahil may nakabinbin pang kaso ito sa Pilipinas.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, sangkot si Haas sa tangkang pagpuslit ng isang shipment ng mga floor ceramic na nakitaan ng higit limang kilo ng methamphetamine sa Indonesia noong Disyem­bre 2023.

Noong Mayo, ayon sa BI, nakulong si Haas sa Bogo City, Cebu matapos maglabas ang Interpol ng red notice o international alert laban sa kanya dahil sa reklamong kriminal na inihain ng mga otoridad ng Indonesia.

Si Haas ay isa sa mga most wanted drug trafficker sa Indonesia na naaresto sa Pilipinas nitong Mayo 2024.

Nahuli naman sa Tangerang City, Indonesia si Guo nitong Miyerkoles, Setyembre 4, at kasalukuyang nasa kustodiya ng Indonesian Police.

Show comments