MANILA, Philippines — Balik-kulungan na ang tatlong preso na tumakas mula sa Taytay police custodial facility nang maaresto sa tirahan ng kani-kanilang mga kasamahan sa Rizal at Pasig City.
Ayon kay Lt. Col. Gaylord Pagala, hepe ng Taytay police, na si Ronald Barrera ay nahuli sa tirahan ng kanyang kaibigan sa Barangay San Jose, Antipolo City, noong Martes ng alas-11:00 ng umaga habang si Kurt Cavasal ay naaresto sa Barangay Sta Ana, Taytay, Rizal, alas-4:00 ng hapon at si Danny Boy Cancino ay naaresto sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City, kahapon bandang alas-7:00 ng umaga.
Sina Barrera at Cancino ay nahaharap sa kasong droga habang si Cavasal ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.
Ang mga naarestong preso ay mahaharap sa karagdagang kasong kriminal para sa kanilang pagtakas mula sa custodial facility na dahilan din para sibakin sa puwesto ang dalawang nakatalagang jailer.