^

Police Metro

COA sinita ang sablay na implementasyon ng feeding program ng DepEd

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinita ng Commission on Audit (COA) ang umano’y sablay na school-based feeding program ng Department of Education (DepEd) noong 2023, sa ilalim ng pamumuno noon ni Vice President Sara Duterte.

Sa audit report ng COA para sa taong 2023, sinabi nito na 21 Schools Divisions Office sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nakaranas ng delay o hindi na-deliver sa oras ang pagkain at gatas sa ilalim ng P5.69 bilyong School Based Feeding Program (SBFP) ng DepEd.

Ayon kay DepEd Sec. Juan Edgardo Angara, may nakitang mga insekto sa loob Karabun/Milky bun and E-nutribun (squash) noong isagawa ng state auditors ng COA sa Aurora ang nasabing mga pagkain.

Sa Bulacan SDO, na ang mga ipinadalang pagkain ay bulok, hindi pa hinog, o nasira. Ang Bulacan at Aurora ay kapwa nasa Region 3 (Central Luzon). Sa MM, inireklamo naman ng Quezon City SDO ang hindi magandang packa­ging at ang laman umano ay mas maliit o mas magaan kumpara sa nakalagay sa kontrata.

Sa Camarines Sur SDO, ang halos P100 mil­yong halaga ng produktong pagkain ay hindi dumating at ang supply contract para sa gatas ay hindi nalagdaan. Sa Palawan SDO, nauna umano ang pagbabayad sa supplier kaysa sa pagdating ng mga pagkain.

Bagama’t naipamigay umano ng mga SDO ang mga pagkain at gatas, sinabi ng COA na hindi nasunod ang guidelines ng DepEd Feeding Prog­ram dahil dinoble-doble na lamang umano ang ipinamigay at maging ang mga estudyante na hindi undernourished ay nabigyan.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with