Malaking barge sumadsad sa Cavite

MANILA, Philippines — Isang malaking barge ang sumadsad sa dalampasigan malapit sa mga kabahayan sa Brgy. Wawa 2, Rosario, Cavite, dahil sa lakas ng alon sa dagat bunga ng tropical storm Enteng.

Laking gulat ng mga residente sa nasabing lugar hinggil sa pagkakasadsad ng nasabing barge dahil anumang oras ay maaaring tangayin ng malakas na alon ang barge at bumangga sa kanilang kabahayan.

Sa kasalukuyan ay pinagtutulungan na itong hilahin ng Coast Guard, subalit nahihirapan ang mga ito hinggil sa lakas ng alon at sumabay pa sa low tide ng naturang dagat.

Napag-alaman na humahakot ng buhangin ang barge at isang lalaki ang nasa loob nito.

Show comments