^

Police Metro

3 magnanakaw napatay sa barilan

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong lalaki na pinaghihinalaang mga magnanakaw ang napatay sa isang engkuwentro sa Sitio Bukal, Barangay Sinturisan, San Antonio, Quezon nitong Biyernes ng madaling araw.

Sa ulat, bago ang insidente ay iniulat ng sekyu na si Jeyrenol de Chavez ang pagnanakaw ng mga suspek sa isang bahay sa loob ng San Antonio Ville Subdivision na kung saan ay nasakote niya ang tatlong magnanakaw katulong ang kapatid na si Jayson.

Subalit, isang kasama ng tatlong naarestong suspek ang sumulpot at tinutukan si De Chavez ng baril kaya’t mabilis itong tumakbo at hu­mingi ng tulong sa mga tao na naglalamay sa lugar at tumakas ang apat na magnanakaw.

Sumaklolo ang mga taong naglalamay at mga tanod kay De Chavez at hinabol ang mga suspek na tumakbo sa magubat na lugar ng Barangay San Jose.

Pagdating sa Barangay Sinturisan ay nagkaroon ng palitan ng putok na ikinasawi ng tatlong magnanakaw habang nakatakas ang isa.

Ang labi ng mga suspek na inaalam pa ang pagkakakilanlan ay nare­kober, alas-11:20 ng umaga.

vuukle comment

QUEZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with