^

Police Metro

Pulis nag-amok sa bar: 2 patay!

John Unson - Pang-masa
Pulis nag-amok sa bar: 2 patay!
Kinumpirma nitong umaga ng Sabado ni Major Maxim Peralta, hepe ng Kabacan Municipal Police Station, na nasa kustodiya na nila ang kanyang deputy na si Captain Romel Magdato Guhiling na agad nilang naidetine matapos niyang mapatay gamit ang kayang service pistol ang mga biktimang sina Akmad Ali Salimula at Mama Sandigan na kanyang nakaalitan sa loob ng isang videoke bar sa Barangay Osias ng naturang bayan.
File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang deputy chief of police matapos na mag-amok at mamaril habang lasing sa loob ng isang videoke bar na ikinasawi ng dalawang lalaking kustomer habang isa pa ang malubhang nasugatan sa Kabacan, Cotabato kahapon ng madaling-araw.

Kinumpirma nitong umaga ng Sabado ni Major Maxim Peralta, hepe ng Kabacan Municipal Police Station, na nasa kustodiya na nila ang kanyang deputy na si Captain Romel Magdato Guhiling na agad nilang naidetine matapos niyang mapatay gamit ang kayang service pistol ang mga biktimang sina Akmad Ali Salimula at Mama Sandigan na kanyang nakaalitan sa loob ng isang videoke bar sa Barangay Osias ng naturang bayan.

Sugatan din sa naturang pamamaril ang kasama nina Sali­mula at Sandigan na si Norhan Katom Makakua na agad namang naisugod sa pagamutan ng mga emergency responders.

Ayon kay Peralta, unang nagtalo ang Guhiling, deputy chief ng Kabacan Municipal Police Station, at ang magkasamang sina Salimula at Sandigan bago nito mapatay agad ang dalawa at nasugatan si Makakua sa pamamaril.

Nahaharap na sa kaukulang kasong kriminal at admi­nistratibo si Guhiling.

Sa ulat ng mga himpilan ng radyo sa probinsya ng Cotabato, kilala si Guhiling sa kanilang barangay sa hindi kalayuang bayan ng Midsayap na sugapa sa alak at abusado, at nanggugulo kapag lasing.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with