DOJ inirekomendang kasuhan sina Shiela Guo, Cassandra Ong

Shiela Guo, sister of dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo, responds to questions at the Senate justice and human rights panel hearing on Tuesday, Aug. 27, 2024.
Senate SMU / Voltaire Domingo

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng National Prosecution Service (NPS) ng Department of Justice (DOJ) na kasuhan sina Shiela Guo, kapatid umano ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ang kinatawan ng sinalakay na ilegal na POGO hub sa Porac, Pampanga na si Cassandra Li Ong.

Sa 12 pahinang resolusyon ng NPS, nakitaan ng sapat na ebidensya upang maisampa sa korte ang mga kasong using false Philippine passport laban kay Shiela Guo na isang Chinese national na ang tunay na pangalan ay Zhang Mier batay sa kanyang Chinese passport.

Nahaharap din si Shiela sa kasong Disobedience to Summons matapos hindi dumalo sa mga ipinatawag na pagdinig ng Senado na nag-iimbestiga sa illegal POGO operations.

Si Ong ay mahaharap naman sa kasong Obstruction of Justice at Disobedience to Summons.

Ang resolusyon ng NPS ay resulta ng isinagawang inquest proceeding nitong nakaraang linggo matapos mahuli ng Indonesian authorities batay sa kahilingan ng Philippine government.

Si Shiela ay may deportation case rin sa Bureau of Immigration dahil sa pagiging undesirable alien at misrepresentation as a Filipino national.

Show comments