Sheila umamin na Chinese national at ‘di utol ni Alice Guo

Sheila Guo, sister of dismissed Bamban mayor Alice Guo, arrives at the Senate detention facility after the National Bureau of Investigation (NBI) transferred custody to the Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) on August 26, 2024.
Jesse Bustos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Sa pagdinig kahapon sa Senado ay inamin ni Sheila Guo na isa siyang Chinese at dumating siya sa Pilipinas noong 2001, nasa 17 taong gulang pa lamang siya.

Kinumpirma rin ni Sheila na hindi niya “biological sister” si dating Bamban Mayor Alice Guo.

Ayon kay Sheila, pinapunta siya sa Pilipinas ni Jian Zhong Guo na tinatawag niyang “daddy” upang tulungan si Alice sa negosyong embroidery sa Bulacan.

Sinabi rin ni Sheila na nakuha niya ang kanyang Philippine passport mula sa kanyang daddy.

Bagaman at si Amelia Leal ang nakalagay sa birth certificate ni Sheila, inamin nito na ang totoo niyang ina ay nasa China.

Kinumpirma naman ng National Bureau of Investigation na ang fingerprints ni Sheila at ng Chinese national na si Zhang Mier ay iisa.

Itinanggi rin ni Sheila na alam niya ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at pinanindigan na ang negosyo lamang ng embroidery ang alam niya at hindi rin niya alam ang iba pang negosyo bagaman at pumipirma siya sa ilang dokumento.

Show comments