Bigtime rollback sa petrolyo, arangkada ngayon

MANILA, Philippines — Ngayong araw ng Martes ay sisimulang ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ang bigtime rollback sa pres­yo ng mga produktong petrolyo.

Sa abiso ng Seaoil, Cleanfuel, Caltex at Shell Pilipinas, aabutin ng P1.90 kada litro ang bawas presyo nila sa produktong diesel, aabutin naman ng bawas na P1.15 per liter sa kanilang produktong gasolina at P1.85 kada litro ang bawas presyo sa produktong kerosene.

Sinasabing ang nagdaang apat na araw na galaw nang bentahan sa merkado ang ugat ng pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo na dulot ng mababang global demand, Israel-Gaza ceasefire talks at ang production recovery support mula sa Sharara Oilfield sa Libya.

 

Show comments