Kagawad binoga sa ulo sa tapat ng barangay hall

Habang nakaupo…

MANILA, Philippines — Nasa kritikal na kalagayan ang isang barangay kagawad nang barilin sa ulo habang nakaupo sa tapat ng kanilang barangay hall, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Amaya, Tanza, Cavite.

Kinilala ang biktima na si alyas Emilio, 54, habang ang suspek ay kinilalang si alyas Andy, nasa hustong gulang, ay kasalukuyan ng pinaghahanap ng pulisya.

Sa imbestigasyon, alas-11:00 ng gabi habang ang biktima ay nakaupo sa tapat ng kanilang barangay hall nang dumating ang suspek sakay ng tricycle at nang bumaba ay agad itong binaril sa ulo.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nakaalitan ng suspek ang pamangkin ng biktima.

Show comments