MANILA, Philippines — Isinasailalim ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Task Force Division sa inquests proceedings sina Cassandra Li Ong at Sheila Leal Guo na sangkot sa iligal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Kasong paglabag sa obstruction of justice at harboring of fugitive ang isinampa kina Ong at Guo.Ayon sa NBI, bailable ang naturang mga kaso.
Nauna nang sinabi ng NBI na mananatili pa rin sa kustodiya ng ahensya sina Cassandra Li Ong at Sheila Leal Guo.
Ayon kay NBI Dir. Jaime Santiago na kahit pa ‘bailable’ ang mga kaso nina Ong at Guo ay mananatili pa rin sila sa NBI.
Paliwanag ni Santiago, may pending warrant of arrest ang Senado at Kamara ang dalawa.