^

Police Metro

2 kasama ni Alice Guo, naaresto sa Indonesia

Doris Franche-Borja - Pang-masa
2 kasama ni Alice Guo, naaresto sa Indonesia
Indonesian authorities apprehend Cassandra Ong and Shiela Guo
Raffy Tulfo/Released

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na nasa kustodiya na ng Indonesian authorities ang dalawang kasamahan ng sinibak na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

“I received a report last night galing kay [Philippine National Police chief Police General Rommel Marbil] na dalawa sa kasama niya ay naka-detain na sa Indonesia,” pahayag ni Abalos sa isang ambush interview.

Ito ay kinumpirma rin ni PNP Public Information Office (PIO) Chief Police Col. Jean Fajardo na nasa kustodiya na ng Immigration authorities sa Indonesia ang dalawang kasama ni Guo na si Cassandra Ong, ang representative ng company na nagbigay ng serbisyo sa POGO at kapatid na si Shiela Guo.

Sinabi ni Fajardo na ito ay resulta ng koordinasyon ng Foreign Liaison Division ng PNP sa pamamagitan ng mga Police Attache sa kanilang foreign counterparts.

Ayon kay Fajardo, na-hold ng Indonesian Immigration ang dalawa bandang alas-6:45 ng umaga nitong Miyerkules  matapos kanselahin ng gobyerno ang kanilang mga Philippine Passport, at inaasahang maibabalik ang mga ito sa Pilipinas.

Samantala, naibalik na sa bansa sina Shiela Guo at Ong na sakay ng Philippine Airlines Flight PR 540 mula Jakarta, Indonesia at bumaba sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, alas-5:00 ng hapon.

Si Shiela Guo ay may warrant of arrest sa Senado matapos ma-contempt dahil sa ilang beses na pag-snub sa hearing ng komite tungkol sa POGO habang si Ong naman ay pinaghahanap ng Kamara.

Sa halip na idiretso sa Senado kung saan may warrant of arrest si Guo, idiniretso ito sa Bureau of Immigration. —Malou Escudero, Mer Layson

ALICE GUO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with