MANILA, Philippines — “Noong nakaraang buwan pa umano nakalayas sa Pilipinas si Alice Guo.”
Ito ang ibinunyag na impormasyon kahapon ni Senadora Risa Hontiveros na ang pinatalsik na si suspended Bamban,Tarlac Mayor Guo na tinatawag ding Guo Hua Ping ay umalis ng bansa at lumipad patungong Kuala Lumpur, Malaysia noong Hulyo 17 gamit ang kaniyang Philippine passport at dumating sa Malaysia dakong “12:17:13 military time” ng July 18.
Matapos nito ay pumunta siya sa Singapore upang makita ang kaniyang ama, ina at iba pa niyang mga kapatid. Nagpasalamat si Hontiveros sa National Bureau of Investigation (NBI) sa impormasyon.
Kinuwestiyon ni Hontiveros kung sino ang nagpahintulot kay Guo na makalabas ng bansa.
“Who allowed this travesty to happen? Sino ang may kagagawan nito?” ani Hontiveros.
Hindi aniya makakaalis si Guo kung walang tumulong na mga opisyales ng gobyerno.
Si Guo ang sentro ng imbestigasyon ng Senado sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Bamban, Tarlac na kamakailan lang ay sinubpoena ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng reklamong material misrepresentation na isinampa laban sa kaniya.