^

Police Metro

67 kaso ng leptospirosis naitala pagkatapos pananalasa ng Carina, habagat

Mer Layson - Pang-masa
67 kaso ng leptospirosis naitala pagkatapos pananalasa ng Carina, habagat
This July 23, 2024 photo shows a flooded area in Malabon City.
Malabon City Government / Facebook

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 67 na kaso ng leptospirosis sa buong bansa matapos ang dalawang linggong pananalasa ng bagyong Carina at Habagat.

Bagamat 67 pa lamang ang naiulat na kaso sa buong bansa sa pagitan ng Hulyo 14 at Hulyo 27, sinabi ng DOH epidemio­logists na maaring mayroong mga naantalang case reports.

Ipinaliwanag ng DOH na ang leptospirosis ay may incubation period mula dalawa hanggang 30 araw, na karaniwang lumalabas isa hanggang dalawang linggo pagkatapos ng pagkakalantad sa kontaminadong tubig-baha.

Mula sa simula ng 2024 hanggang Hulyo 27, sinabi ng DOH na 1,444 na kaso ng leptospirosis ang naitala, na nagpapakita ng pagbaba ng 42 porsiyento kumpara sa 2,505 na kaso na naiulat sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Mayroon ding 162 na pagkamatay na may kaugnayan sa sakit sa parehong panahon ngayong taon.

Pinayuhan din ni Herbosa na huwag nang hintayin na lumabas ang sintomas at magpakunsolta sa doktor o health center para sa prophylaxis sa loob ng 24 hanggang 48 oras matapos lumusong sa baha.

vuukle comment

LEPTOSPIROSIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with