^

Police Metro

Kelot itinumba sa parking lot

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang lalaki nang siya ay pagbabarilin sa parking lot ng disco bar ng riding-in-tandem suspect sa Brgy. Palico 4, Imus City, Cavite, kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Christian Don Angeles, binata, ng Imus City, Cavite habang hindi naman nakilala ang dalawang suspek na mabilis tumakas sakay ng isang motor.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang krimen, alas-4:30 ng madaling araw ay nag-iinuman ang biktima kasama ang mga kaibigan nito sa 767 Club Disco Brgy. Palico.

Nang matapos ang inuman lumabas na ng bar ang mga ito at nagtungo na sa parking lot nang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima bago mabilis na tumakas.

May hinala ang pulisya na malamang na nagkaroon ng iringan ang mga ito sa loob ng nasabing bar at hinintay lamang na lumabas ang biktima.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with