Pagtatayo at pagsasaayos ng barracks ng mga sundalo, popondohan
MANILA, Philippines — Kasabay ng pagpuri sa katapangan ng mga sundalo na maipagtanggol ang bansa ay maglalaan si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng pondo para sa pagpapagawa at pagsasaayos ng mga barracks ng mga ito.
Ginawa si Speaker Romualdez ang pahayag sa kanyang pagpunta noong Huwebes sa headquarters ng 11th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp Teodulfo Bautista sa Busbus Village, Jolo, Sulu na pinamumunuan ni Commander, Maj. Gen. Ignatius Patrimonio.
Pinuri ni Speaker Romualdez ang mga opisyal at sundalo sa kanilang pagtatanggol at paglaban sa mga panloob at panlabas na banta upang mapanatili ang demokrasya at soberanya ng bansa.
“We have to look after the welfare of our soldiers - our officers and men. We have to provide them with comfortable housing quarters,” Speaker Romualdez, a lawyer from University of the Philippines (UP) and President of the Philippine Constitution Association (Philconsa), ani ni Speaker Romualdez kay Patrimonio at iba pang opisyal ng 11th ID Site Development Plan.
Nauna ng nangako si Romualdez na susuportahan ang dagdag na pondo para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilalim ng 2025 National Expenditures Program na sisimulang talakayin ng Kamara ngayong linggo.
Nangako si Speaker Romualdez na titignan ang pangangailangan na makapagtayo ng mga dagdag na barracks at pagandahin ang mga nakatayo na.
- Latest