^

Police Metro

Pulis GenSan todas sa ambush

John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang pulis matapos ito ay pagbabarilin sa naganap na ambush kahapon ng madaling araw sa Barangay Baluan, General Santos City.

Kinilala ang nasawing biktima dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Patrolman Jobert Horcedera Moremonte, miyembro ng Police Regional Office-12.

Sa mga hiwalay na ulat ng General Santos City Police Office at ng Police Regional Office-12, sakay ng kanyang motorsiklo si Moremonte, nang pagbabarilin ng mga kalalakihan na nakaabang sa madilim na lugar sa Purok Mapagmahal sa Agan Greenville sa Barangay Baluan.

Nakadapa ang biktima sa gilid ng kalye sa tabi ng kanyang motorsiklo nang datnan ng mga pulis at barangay tanod na nag-responde sa insidente.

Inaalam pa ng mga imbestigador ng General Santos police kung sino ang mga nasa likuran ng ambush.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with