^

Police Metro

870 toneladang basura nahakot sa Metro Manila

Ludy Bermudo - Pang-masa
870 toneladang basura nahakot sa Metro Manila
Tone-toneladang basura dulot ng bagyong Carina ang nahakot sa clean-up drive na pinangunahan nina MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, DILG Sec. Benhur Abalos at Malabon Mayor Jeannie Sandoval sa Brgy. Tinajeros, Mala- bon City kahapon.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Nasa 870 toneladang basura ang nahakot sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila dulot ng pananalasa ng habagat na pinalakas ng bagyong Carina, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kahapon.

Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes, ang kabuuang nahakot na mga basura ay simula lamang ng Hulyo 24 hanggang Hulyo 31.

Kahapon, pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at “Kalinga At Inis­yatiba Para Sa Malinis Na Bayan” (KALINISAN) program ng MMDA ang cleanup drive sa Malabon City, kasunod ng pagbaha dulot ng natu­rang kalamidad.

Sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos na ang programa, na nakatutok sa cleanup operations ay naglalayong magbigay ng malusog at ligtas na kapaligiran at hikayatin ang partisipasyon ng komunidad na nakaangkla sa diwa ng bayanihan.

“Garbage is a big contributor to flooding. The trash we throw away comes back to us. President Ferdinand R. Marcos Jr., through this program, wants to teach the public about proper waste disposal, particularly segregation,” ani Abalos sa isinagawang simpleng seremonya sa Tinajeros barangay hall.

Hinikayat ni Abalos ang komunidad na makipagtulungan sa pamahalaan upang mapanatiling malinis ang kapaligiran sa pamamagitan ng disiplina at tamang gawi sa pagtatapon ng basura.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with