^

Police Metro

2 Pinay US army hulog sa bangin, tepok

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang Pinay na kasapi ng United States Army at isa pang kasama matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyan sa Devil’s Slide, Highway 1 California, USA.

Kinilala ang mga nasawi na sina Brylyn Aroma, 36, taga Cavite at isang nurse na kilalang US Army combat medic specialist at nakakuha na rin ng iba’t ibang pagkilala at parangal dahil sa kanyang serbisyo.

Habang si Angelica Gacho, 28-anyos, na isa ring Filipina na kasapi ng US Army, ay isang espesyalista sa komunikasyon at water treatment na nakatanggap na rin ng mga parangal sa Estados Unidos.

Sa nasabing insidente, minalas ding masawi ang isang Mohammad Noory, 29, na taga- Afghanistan.

Sa ulat, noong Hulyo 26, 2024 ay nahulog ang sasakyan ng mga biktima sa isang 400-talampakang bangin at mabatong bahagi ng Devil’s Slide sa San Mateo Country coast. Bahagya ring lumubog ang sasakyan nila sa dagat.

vuukle comment

ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with