^

Police Metro

VP Sara kay PNP Chief Marbil: ‘Batas ka lang, hindi ka Diyos’

Mer Layson - Pang-masa
VP Sara kay PNP Chief Marbil: �Batas ka lang, hindi ka Diyos�
Photo of Vice President Sara Duterte in Cebu City taken on June 29, 2024.
Facebook / Inday Sara Duterte

MANILA, Philippines — Binatikos kahapon ni Vice President Sara Duterte si Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Francisco Marbil kasunod nang pagtanggal sa 75 pulis na nakatalaga sa kanyang security detail, at tinawag ang aksyong “political harassment.”

Una nang kinumpirma ni Duterte na noong Hul­yo 22 ay binawi ng PNP ang 75 miyembro ng Police Security and Protection Group (PSPG) na nakatalaga upang tumiyak sa kanyang seguridad.

Sa kanyang liham, binigyang-diin ni Duterte na ginawa ni Marbil ang pagbawi sa kanyang security detail matapos siyang magbitiw bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at kasunod nang paglabas ng isang video, kung saan makikita ang isang lalaki, na kahawig ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na gumagamit ng ilegal na droga.

Ibinunyag pa ng bise presidente na kasama rin sa relief order ang mga tauhan ng PNP na kanyang pinagkakatiwalaan dahil sila ay mga da­ting security ng kanyang amang si dating Pang. Rodrigo Duterte noong 2016, at maging ang mga dati na niyang security detail noon pang 2007.

Ibinunyag din ni Duterte na hindi nag-request ang PNP para i-pull out ang kanyang security detail upang dagdagan ang puwersa ng pulisya sa National Capital Region (NCR) at sa halip, sinabihan lamang aniya ng PSPG ang Office of the Vice President (OVP) na kukunin na nila ang mga personnel.

“Kung talagang wala kang nakikitang banta laban sakin, bakit nagtira ka pa ng 45 na tauhan ng PNP na ikaw ang pumili? Tandaan mo, pagdating sa seguridad ng aking pamilya, ako ang magsasabi kung sino ang karapat-dapat, hindi ikaw. Batas ka lang, hindi ka Diyos.”

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with