^

Police Metro

Apektado ni Butchoy, Carina, habagat tumaas na sa 4M katao; 36 nasawi - NDRRMC

Joy Cantos - Pang-masa
Apektado ni Butchoy, Carina, habagat tumaas na sa 4M katao; 36 nasawi - NDRRMC
Magkatuwang na nililinis kahapon ng mga guro at volun­teers ang mga silid-aralan ng Industrial Valley Ele­mentary School sa Marikina City matapos na bahain dulot ng bagyong Carina at habagat.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umakyat na sa 4 milyong katao ang naapektuhan habang tumaas sa 36 iang nasawi sa pananalasa ni Tropical Cyclones Butchoy, Carina at habagat.

Sa ipinalabas na report ng tanggapan ni NDRRMC Executive Director Ariel Nepomuceno, ang 36 biktima ay nasawi sa pagkalunod, landslide, pagkakakuryente at nabuwal na punong kahoy.

Kaugnay nito, tumaas na rin sa 4,553752 milyong katao mula sa 1,240,090 pamilya mula sa binahang rehiyon ang naapektuhan sa kalamidad.

Sa kabuuang bilang nasa 152,800 katao mula sa 38,292 pamilya bakwit ang nanuluyan sa mga evacuation cen­ters habang nasa 641,944 namang mga indibidwal  mula sa 134,235 pamilya ang nanuluyan sa kanilang mga pamilya at kaanak.

Sa 119 naapektuhang mga lugar ay nasa 39 pa ang wala pang supply ng kuryente. Sa kasalukuyan, kanselado pa rin ang biyahe ng eroplano sa Ilocos Region habang nagbalik na sa normal ang biyahe ng nasa 92 domestic at international flights.

vuukle comment

CARINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with