Taguig solon binatikos sa ‘di pagsunod sa protocol sa evacuation centers

MANILA, Philippines — Dahil sa hindi umano pagsunod sa protocol, at umano’y paninigaw sa mga kawani sa isang evacuation center sa Barangay Fort Bonifacio nitong Huwebes ay nakatanggap ng mga batikos na inabot si Taguig 2nd District Rep. Pammy Zamora mula sa mga residente, netizens, at empleyado ng barangay at lungsod.

Sa isang viral video na kumakalat sa Facebook, makikita si Cong. Zamora na nagagalit sa mga empleyado na nasa Gat Andres Bonifacio High School dahil diumano ay hindi siya pinapapasok para makapagbigay ng tulong sa mga evacuees.

Ngunit ayon sa City Social Welfare and Development Office staff na si Faisal Gamao,maayos na pinapaliwanagan ang Congresswoman tungkol sa kailangang koordinasyon sa CSWD ngunit bigla na lang daw silang pinagsisigawan.

Sa isang pahayag, nili­naw ng Lungsod Taguig na kailangang sundin ang tamang proseso na itinakda ng lokal na pamahalaan sa pamimigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo at habagat.

Humingi naman ng paumanhin si Rep.Zamora at nagsabing “…My office just wanted to pro­perly deliver government aid and services,” at ang ipamimigay ay DSWD relief packs na galing din naman sa gobyerno, bayad ng mga buwis na hindi tamang harangin ng dahil sa pulitika.

Show comments