^

Police Metro

Chinese binaril sa ulo ng sakay ng van, dedo

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang Chinese national nang barilin ito sa ulo ng hindi pa nakilalang suspek na sakay ng isang van na humarang sa kanya habang sakay ng kaniyang kotse sa kahabaan ng CM Selos Reyes Avenue Brgy. Javalera, General Trias City, Cavite.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si David Quina Jiang, alias Jiang Wei, 46-anyos residente ng Velvet View Subd., Kaybagal South Tagaytay City.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang krimen, alas-5:14 ng hapon ay minamaneho ng biktima ang kaniyang kotse (NED986) at binabaybay ang nasabing lugar patungo ng Brgy. Biclatan.

Nang sumabay ang isang Toyota Hi-ace van na may plate number NGP2325 at hinarang ang kotse ng biktima at walang kaabog-abog na binaril ito sa ulo.

Matapos ang pamama­ril ay mabilis na tumakas ang hindi nakilalang suspek at iniwan ng ang dalang van sa lugar ng insidente.

Patuloy ang imbestigason ng pulisya sa krimen.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with