MANILA, Philippines — Agad na nagpaabot ng tulong ang ACT-CIS partylist sa mga naapektuhan ng pagbaha noong Miyerkules na kung saan ay nagpahanda si Cong. Edvic Yap ng dalawang libong food packs para sa mga bakwit sa Quezon City at Marikina City. “Hindi lang makatawid ang mga trak namin noong kasagsagan ng ulan at baha dahil maraming kalsada ang sarado”, ayon kay Cong.Yap.
Aniya,narinig nila ang panawagan ng LGU na baka kulangin ang suplay nila ng pagkain dahil sa sobrang dami ng evacuees matapos umapaw ang Marikina River.
Si Cong. Erwin Tulfo naman ay agad nagpadala ng higit isandaang food packs para sa 100 pamilya na nasa dalawang barangay evacuation centers na malapit sa kanilang opisina noong Miyerkules ng hapon.
“Tumawag kasi yung Christ the King Church sa opis para hingan ng food yung mga bakwit na karamihan ay mga nasasakupan ng parokya nila,” ayon kay Tulfo.
Idinagdag pa ni Tufo, hindi lang sa panahon ng kalamidad maari silang lapitan kundi maging sa mga problema ng tao sa medical, labor o legal man at magtungo lang sa kanilang opisina No.81 Mother Ignacia Ave., Quezon City.