PNP idinepensa ang pagtanggal sa 75 police security ni VP Sara

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil na walang personalan at walang pulitika ang pagtanggal ng police security ni Vice President Sara Duterte na itinaon sa mismong araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pa­ngulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ayon kay Marbil, walang katotohanan na pinag-iinitan nila ang bise presidente na 75 police security ang tinanggal.

Paliwanag ni Marbil, ang pag-recall sa police security ng iba’t ibang personalidad ay upang i-rationalize ang deployment ng mga pulis sa security operations.

Sa katunayan aniya,  bago ipinatupad ang  recall order nakipag-usap ang Police Security Protection Group (PSPG) sa chief of staff ng  Bise Presidente at ­ipinaalam ang pagtatanggal ng mga PNP personnel at inilipat sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Show comments