Heightened alert itinaas ng PCG sa pananalasa ng bagyong Carina

Satellite image of Tropical Storm Carina taken on July 21, 2024.
PAGASA

MANILA, Philippines — Todo alerto ngayon ang Philippine Coast Guard District Northeastern Luzon bilang pag­hahanda sa epekto ng Tropical Storm (TS) sa rehiyon.

Inatasan na rin ni CGDNELZN Commander, CG Captain Ludovico Librilla Jr, ang lahat ng Coast Guard Stations at Sub-Stations na panatilihin ang kahandaan sa pamamagitan ng pag-activate ng kanilang mga deployable response group (DRG) at paghahanda ng kanilang search and rescue (SAR) na mga bangka, sasakyan, at gears.

Dahil nasa heightened alert ang coast guard district, pinaalalahanan ni CG Captain Librilla ang mga lokal na mangingisda at residente ng mga lugar na madaling bahain na gumawa ng mga hakbang sa kaligtasan.

Tiniyak din ng CGDNELZN District Commander, CG Captain Ivan Roldan, na lahat ng personnel at equipment ng Deployable Response Groups (DRGs) ay handa ba at all-set na upang tumulong sa LGU para sa evacuations at rescue operations.

Show comments