RBPMS sa public school teachers, sinuspinde

MANILA, Philippines — Kasunod na rin ito ng mga alalahanin ng ilang guro ay ipinag-utos kahapon ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang suspensiyon ng Results-based Performance Monitoring System (RBPMS) para sa public school teachers sa loob ng isang buwan.

“Well we’ve issued one already, or we’ll issue today. Ito ‘yong suspension ng RPMS, ‘yan ‘yong teacher’s reports, ito ‘yong nire-review nila ‘yong performance nitong nakaraang school year,” wika ni Angara.

Paliwanag niya, ang suspensiyon ay kasunod ng reklamo ng mga guro na makakasabay ang naturang aktibidad ang Brigada Eskwela, pagbubukas ng klase at iba pang aktidad.

Matatandaang noong Hunyo, inisyu ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 61, na nagsususpinde sa RBPMS at sa Performance-Based Incentive System.

Kamakailan lamang naman, inireklamo ng mga guro ang pagpapatupad ng DepEd ng sinuspindeng RBPMS.

Show comments