Maulan na SONA asahan - PAGASA

MANILA, Philippines — Mararanasan ang malakas na pagbuhos ng ulan sa Metro Manila ngayon kasabay ng gaganaping ikatlong SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang inihayag ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration-Department of Science and Technology (PAGASA-DOST) na ang ulan ay dulot na rin ng southwest monsoon o habagat na pinapalakas pa ng Tropical Storm Carina.

Nakatakdang mag-ulat sa bayan si Pangulong Marcos sa Batasang Pambansa Complex sa Batasan Hills, Quezon City na inaa­sahan din na marami ang magsasagawa ng protesta sa mga kalsada.

Sa forecast ng PAG­ASA, makararanas nga­yon araw ng panaka-nakang pag-ulan hanggang sa malakas sa Metro Manila, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas at Calamian Islands.

Mararanasan naman sa La Union, Pangasinan, Benguet, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro ang heavy to intense rains ngayong Lunes.

Show comments