^

Police Metro

48 flights kinansela sa global outage ng Microsoft

Butch Quejada - Pang-masa
48 flights kinansela sa global outage ng Microsoft
Ilang pasahero ang napasalampak na lang sa sahig at natulog sa bench matapos na ma-stranded sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, dahil sa naantalang flights kahapon sa Pasay City dulot ng Microsoft IT system outage bunsod upang makansela ang may 48 flights via NAIA.
Ryan Baldemor

Mga biyahero stranded sa mga paliparan …

MANILA, Philippines — Nasa kabuuang 48 na flights ang kinansela kahapon ng Manila International Airport Authority (MIAA) dahil sa sinasabing global outage ng Microsoft IT system.

Inanunsyo ng MIAA ng alas-8:00 ng umaga kahapon ang kanselasyon ng 48 local at international flights na naka-iskedyul ng Sabado dahil sa global outage na nagdulot ng pagkagambala sa ilang mga opsyon sa airlines sa buong mundo.

Para mabawasan ang congestion sa airport, pinapayuhan ng airport autho­rity ang lahat ng apektadong pasahero na suriin muna ang kanilang flight schedule bago pumunta sa airport, at para sa pinakabagong update sa kanilang flight schedule, direktang makipag-ugnayan sa kani-kanilang airlines.

Samantala. patuloy na tinutulungan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang ilang biyahero na na-stranded sa Davao International Airport habang naghihintay ng rescheduled flights.

Iniulat ng CAAP Area Center 11 na mayroon na lamang 87 pasahero ang natitira sa Davao International Airport. Ang mga tauhan ng CAAP ay aktibong nagbibigay ng mga pagkain at malasakit kits sa mga apektadong pasahero.

Dahil ang mga airline ay nag-upgrade ng kanilang A320 sa A330 na sasakyang panghimpapawid upang tumanggap ng mas maraming pasahero, ang bilang ng mga biyahero na naghihintay pa rin sa paliparan kahapon ng hapon upang ma-rebook ay nabawasan, mula sa 1,400 noong Biyernes ay naging 39 na lamang simula 12:30 ng tanghali ng Sabado.

Sa kasalukuyan, habang nagsisimulang maging normal ang mga operasyon sa paliparan, nagsusumikap pa rin ang CAAP na subaybayan ang lahat ng mga flights.

NAIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->