Ina arestado sa pagtatapon ng fetus

MANILA, Philippines — Isang patay na lalaking fetus ang natagpuan ng mangangalakal ng basura habang agad naaresto ang umano’y inang nagtapon sa Valenzuela City, kama­kalawa ng gabi

Batay sa report ni Valenzuela police chief PCol. Nixon Cayaban, alas-10:00 ng gabi nang matagpuan ng saksing si alyas Alex, 18, ang fetus sa harap ng isang convenience store sa Kabesang Porong St., Brgy. Punturin.

Sa pahayag ni Alex sa pulisya, nangangalakal siya ng basura sa lugar nang madiskubre niya ang patay na fetus na nakasilid sa isang green na plastic bag at nakabalot ng tela na agad inireport sa pulisya.

Sa tulong ng CCTV at follow-up operation ng pulisya, natunton ang suspek na si alyas Daisy nasa loob ng MTC branch 108 na may dinidinig na hearing sa kasong estafa na inamin ang pagtapon ng fetus sa basurahan.

Show comments