Libong kabahayan sa 2 barangay sa Cavite City, naabo sa sunog

Naghahanap ang mga residente ng Barangay 5 at 7 sa Cavite City, Cavite nang maaari pang pakinabangan matapos tupukin ang kanilang mga bahay ng apoy. Ayon sa DSWD, nasa 673 pamilya at 2,399 indibidwal ang kasalukuyang nasa Dalahican Elementary School para sa evacuation.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Aabot sa libong kabahayan sa dalawang barangay sa Cavite City, lalawigan ng Cavite ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog, kama­kalawa.

Umakyat sa ikaapat na alarma ang sunog na nakaapekto sa libu-libong residente ng Barangay 5 at 7, pasado alas-3:00 ng hapon kamakalawa na kung saan ay halos walang mga naisalbang gamit ang mga residente dito na nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Barangay 7.

Idineklarang fireout ang sunog, alas-5:54 ng hapon na kung saan ay nasa 100 fire truck ang nagtulung-tulong sa pag-apula ng apoy.

Bukod pa sa mga fire volunteer at chopper na sumasalok ng tubig sa dagat at ibinubuhos sa mga kabahayan.

Patuloy pang inaalam ang sanhi at halaga ng pinsala nito. wala naman naiulat na namatay sa nasabing sunog.

Show comments