^

Police Metro

Maid of Honor (181)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SABI ni Mommy, kailangang matuto ako ng self defense para maipagtanggol ko ang sarili sa mga masasamang loob. Iba na raw ang panahon ngayon na marami na ang nang-aapi, nambu-bully at nananakit. Kapag daw nawala siya, hindi na siya magwo-worry dahil alam niyang may nalalaman ako sa pagtatanggol sa sarili,’’ sabi ni Ram.

Nag-isip si Yana. Nasaan kaya ang daddy ni Ram? Bakit walang nababanggit si Ram?

Parang nahulaan ni Ram ang iniisip ni Yana.

“Nag-iisang anak ako ni Mommy, Yana. Ang daddy ko ay may ibang pamilya. Anak ako sa labas. Si Mommy ang nagtaguyod sa akin. Hindi siya umasa sa sustento ni Daddy. Maganda rin ang trabaho ni Mommy sa isang airline company. Nakapagpundar siya ng kabuhayan. Kaya lang naging masasakitin. Hanggang sa mag-early retirement siya. Kaya nga para maalagaan ko nang maayos si Mommy, may kaugnayan sa nursing ang kinuha ko. Gusto ko ma­alagaan siya nang todo, Mahal na mahal ko si Mommy.’’

Maya-maya napasulyap si Ram sa relo.

“Malapit nang mag-start ang klase natin. Halika na Yana. Bukas na lang uli kita kukuwentuhan ng buhay ko.’’

Lumabas sila sa fastfood restaurant.

Habang patungo sa kanilang building ay nag-iisip si Yana. Napakabu­ting anak ni Ram. Kahit na hindi sinustentuhan ng daddy nito ay walang nadaramang galit. At kaya pala ito kumuha ng nursing course ay para may sapat na kaalaman dito at magamit sa pagsisilbi sa mahal na ina.

Napakabuting tao ni Ram. Bihira na ang anak na ganito ang pag-aalala sa ina.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad