Babae iginapos, pinatay saka isinako

Natagpuang naagnas sa Laguna..

MANILA, Philippines — Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya matapos na matagpuan ang bangkay ng isang babae na nakagapos at nakasilid sa sako sa bahagi ng Bay, Laguna, nitong Biyernes ng gabi.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkaka­kilanlan ng biktima na naagnas na nang matagpuang habang nakagapos gamit ang duct tape at nakalagay ang bangkay sa sako.

Ipinatawag ng mga awtoridad ang isang pamilya na unang dumulog sa kanila dahil nawawala umano ang kaanak nilang babae.

Sinabi ng pulisya na isinailalim na sa DNA testing ang bangkay at na-cremate na rin.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang pamilya habang hinihintay pa ang resulta ng DNA test.

Hawak naman ng pulisya ang dalawang “persons of interest” habang pinaghahanap ang iba pang posib­leng kasabwat sa pagpatay sa biktima.

Show comments