2 estudyante nasapol ng kidlat, utas

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang dalawang estud­yanteng lalaki matapos na tamaan ng kidlat habang nagbibisikleta sa kasagsagan ng ulan, kamakalawa sa Gen. Trias City, Cavite.

Kinilala ang nasawing biktima sa alyas Gerald, 14; at Renzo, 15, kapwa estudyante at residente ng Brgy. Tapia Gen. Trias City, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-3:30 ng hapon sa kasagsagan ng malakas na ulan ay nagbibisekletang naliligo ang magkaibigan nang biglang kumulog at kasunod ang malakas na kidlat at diretsong nasapul ang ito.

Nangisay agad ang magkaibigan at isinugod sa ospital, subalit, idineklarang dead on arrival.

Show comments