VP Sara, ‘di dadalo sa ikatlong SONA ni Pangulong Marcos

MANILA, Philippines — Hindi dadalo si Vice President Sara Duterte sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

“No, I will not attend the SONA. I am appointing myself as the designated survivor”,wika ni VP Sara Duterte

Ang designated survivor ay isang indibidwal na kadalasang ina-appoint ng pangulo at hindi dadalo at manonood sa SONA upang siya ang mamumuno sa oras na may mangyaring malaking kalamidad o ‘catastrophic incident’ na magiging dahilan ng pagkamatay o iba pang physical incapacitation sa mga opisyal ng bansa na nasa line of succesion.

Ito ang unang pagkakataon na hindi dadalo ang pangalawang pangulo sa SONA ni PBBM na kanyang ka-tandem sa 2022 elections.

Una na ring kinumpirma ng mga dating bise presidente ng bansa na sina Leni Robredo, Jejomar Binay, at Noli de Castro na hindi sila dadalo sa ikatlong SONA ni Marcos.

Hindi rin sinamahan ni VP Sara si Pang. Marcos sa kamakailan ay Opening Ceremony ng Palarong Pambansa 2024, gayong kapwa nasa Cebu ang dalawa.

Show comments