‘Politically incorrect’ ang ‘di pagdalo ni VP Sara sa SONA - Gadon

MANILA, Philippines — Ito ang binigyan diin ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon hinggil sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi siya dadalo sa ikatlong State of the Nation Address  (SONA) ni  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 22.

Ayon kay Gadon, dapat na maisip ni Duterte na siya pa rin ang Bise Presidente kahit na nagbitiw ito bilang kalihim ng Department of Education at Vice Chairm ng Anti Terrorism Council ng  NTF ELCAC .

Sinabi ni Gadon na dapat na magpakita ng respeto sa kanyang posisyon si VP Sara sa pamamagitan ng pagdalo sa SONA bilang pambawi sa pagdalo nito sa Maisug prayer rallies na anti-BBM.

Dagdag pa ni Gadon, wala ring masama o negatibong pahayag si PBBM laban kay VP Sara.

Show comments