Rider pumailalim sa trailer truck, pisak

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang motorcycle rider matapos magulungan nang pumailalim sa trailer truck sa Roxas Boulevard-Buendia Flyover, sa bahagi ng Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima sa alyas “Darryl”, 46-anyos, sales manager, residente ng Karuhatan, Valenzuela City, batay sa ibinigay na impormasyon ng mga kasamahan sa trabaho.

Nasa kustodiya ng Pasay Traffic Enforcement Unit ang driver ng Izusu trailer truck na si alyas “Salvador”, 38,residente ng Navotas City.

 Sa ulat ng Vehicular Traffic Investigation Section, alas-8:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa nasabing flyover.

Habang parehong northbound ang trailer truck at ang Kymco motorcycle na nasa kaliwang bahagi nang magkasagian.

Naging dahilan upang matumba ang motorsiklo at pumailalim ang biktima.

Nagpreno naman agad ang driver ng trailer truck nang makarinig ng sigaw na may tao sa ilalim at nang alamin ay nakitang nakapatong pa ang gulong sa mukha ng biktima.

Show comments