^

Police Metro

2 rider patay sa salpukan

Omar Padilla - Pang-masa
2 rider patay sa salpukan
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Marvin Bognot, 24, binata, ng Brgy. Maguinao; at Amiel Sebastian.
File

MANILA, Philippines — Dalawang motorcycle rider ang nasawi sa magkasunod na salpukan sa Brgy. San Roque, San Rafael, Bulacan.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Marvin Bognot, 24, binata, ng Brgy. Maguinao; at Amiel Sebastian.

Sa ulat, alas-10:50 ng gabi ay binabagtas ni Bognot ang Cagayan Valley Road nang sa masalpok ng bus na minamaneho ni Ronaldo Cruz, 43.

Dumating ang mga rescue team at dinala sa ospital si Bognot, subalit hindi na umabot ng buhay.

Ilang minuto ang nakakalipas sa naturang lugar pa rin ay nahagip naman ng puting Toyota Fortuner ang motorsiklo ni Sebastian at isa pang motorsiklong minamaneho ni John Eric.

Tumilapon ang mga rider sa motorsiklo at nagtamo ng matinding pinsala sa ibat-ibang parte ng katawan na kung saan ay dinala sila sa pagamutan, subalit namatay si Sebastian. Ang mga driver na nakabangga ay nakatakdang kasuhan.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with