^

Police Metro

Kalaguyo ni misis, inutas ng mister

Ed Amoroso, Tony Sandoval - Pang-masa
Kalaguyo ni misis, inutas ng mister
Kinilala ang biktima sa pangalang alyas Jimboy, 24, ng Barangay Malupak habang tinutugis ang suspek na si alyas Mark, 29 ng Barangay Kulapi.
STAR / File

MANILA, Philippines — Sabog ang ulo ng isang lalaki matapos na dalawang beses na barilin ng mister ng babae na umanoy karelasyon nito, naganap kamakalawa ng hapon sa Barangay Kulapi, Lucban, Quezon.

Kinilala ang biktima sa pangalang alyas Jimboy, 24, ng Barangay Malupak habang tinutugis ang suspek na si alyas Mark, 29 ng Barangay Kulapi.

Ayon sa pulisya, bago naganap ang krimen, bandang alas-3:20 ng hapon ay itinigil ng biktima ang kanyang motorsiklo sa harapan ng isang tindahan upang bumili ng sigarilyo.

Habang sisindihan ng biktima biniling sigarilyo sa tindahan ay nilapitan ng suspek ang biktima at walang kaabog-abog na pinaputukan ng dalawang beses sa ulo.

Nagawang isugod sa MMG Hospital ang biktima, subalit idineklara itong dead-on-arrival sa tinamong dalawang tama ng bala sa ulo mula sa hindi pa matukoy na baril.

Samantalang patuloy na nagsasagawa ng hot pursuit operation ang Lucban Police Station para sa agarang idarakip ng suspek si alyas Mark.

Nabatid sa ulat na may hinala umano ang pulisya na matinding selos ang motibo ng pagpaslang sa biktima nang makarating sa kaalaman ng suspek na ang kanyang misis at ang huli ay mayroon umanong relasyon.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with