P60 milyong hinihinging danyos ng ‘Pinas sa China kulang pa – PCG

MANILA, Philippines — Kulang pa umano kung tutuusin ang P60 milyon hinihinging danyos ng gobyerno ng Pilipinas sa China kaugnay sa insidente sa West Philippine Sea noong June 17.

Ito ay nagresulta sa pagkaputol ng daliri ng isang sundalo, pagkasira ng ka­gamitan ng Armed Forces of the Philippines at pagkuha sa armas ng mga ito.

Ito ang inihayag ni Commodore Jay Tarriela, spokesman ng Philippine Coast Guard for the West Philippine Sea sa weekend forum sa Quezon City kaugnay sa pagpalag umano ng China sa hinihinging danyos ng gobyerno.

Ayon kay Tarriela, kung susumahin lahat ang mga perwisyong ginawa ng China Coast Guard at Chinese militia sa PCG ay maraming dapat na bayaran hindi lamang ang insidente noong June 17.

Kinontra ng opisyal ang depensa ng China na legal ang kanilang operasyon at ang Pilipinas umano ang gumagawa ng Illegal.

Show comments