Night shift differential pay ilibre sa buwis

MANILA, Philippines — Itinulak sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang panukala na naglalayong ilibre sa buwis ang night shift differential pay o ang dagdag na bayad sa mga nagtatrabaho ng alas-10:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga.

Ito ang sinabi ni Makati City Rep. Luis Campos Jr.na sa ganitong paraan ay hindi na umano mababawasan ang dagdag na kita ng mga empleyadong nagtatrabaho ng dis-oras ng gabi.

“Our bill seeks to further augment the take home pay of workers and help them cope with the soaring cost of living.This will also give more meaning to the mandates of the Constitution for the state to provide full protection to labor, promote the welfare of workers, and to assure them a rising standard of living”, wika ni Campos.

Sa ilalim ng Labor Code, ang mga nagtatrabaho ng alas-10:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga ay makatatanggap ng “night shift differential” na ang halaga ay 10% ng sahod ng empleyado kada oras.

Sa kasalukuyan ay pinapatawan ito ng income tax kung ang kita ng manggagawa ay lagpas sa P250,000 kada taon.

Show comments