Birth certificate ni Guo, ipapakansela ng OSG

Gatchalian: Is Guo Hua Ping the real Alice Guo? Documents indicate that suspended Bamban Mayor Alice Guo first entered the Philippines when she was already a teenager, contrary to her claim and her birth certificate that she was born in Tarlac, according to Sen. Sherwin Gatchalian.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nakatakdang ipakansela ng Office of the Solicitor General (OSG) sa ihahaing petisyon ang birth certificate ng suspendidong si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra ang paghahain ng cancellation of the birth certificate ay magla­latag ng batayan para sa kasunod na paghahain ng petisyon para sa quo warranto para mapatalsik si Guo bilang alkalde ng Bamban at masampahan pa ng karagdagang kaso.

Babanggitin sa petisyon ang umano’y kabiguan ni Guo na sumunod sa mga legal na kinakailangan para sa late registration of birth na isasampa sa Tarlac court.

Nauna nang sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nakakita sila ng mga iregularidad sa birth certificate ni Guo, habang ang National Bureau of Investigation (NBI) naman ang nagkumpirma na tumugma ang fingerprints ng alkalde sa babaeng Chinese na si Guo Hua Ping.

Hindi naman binanggit ni Guevarra kung saang korte ihahain ang naturang petisyon sa isyu ng seguridad.

Show comments