Inflation rate bumagal sa 3.7% noong Hunyo

Ayon sa inflation report ng Philippine Statistics Authority, mas mababa ito ng 0.2% mula sa 3.9% na naitala noong Mayo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bumagal sa 3.7% ang headline inflation rate sa bansa nitong nakalipas na Hunyo.

Ayon sa inflation report ng Philippine Statistics Authority, mas mababa ito ng 0.2% mula sa 3.9% na naitala noong Mayo.

Ang mga dahilan na nakapag-ambag sa pagbaba ng inflation rate ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng housing, water, electricity, gas and other fuels; mas mabagal na pagtaas ng presyo ng transport; pati na rin sa presyo ng restaurants and accommodation services.

Sa kabilang banda, naitala naman ang mas mabilis na pagtaas ng pres­yo ng pagkain at inumin nitong Hunyo kumpara noong Mayo.

Samantala, bagama’t bumaba, mas naramdaman ng bottom 30% income households noong nakaraang buwan ang inflation rate nang 5.5%.

Sa ngayon, nasa 3.5% na ang average inflation rate sa unang anim na buwan ngayong taon.

Show comments