PNP may ‘person of interest’ na sa kaso ng pagdukot at pagpatay zsa 2 Chinese executives

MANILA, Philippines —  Puspusan ang pakiki­pag-ugnayan ng Phi­lippine National Police (PNP) Anti-Kidnapping Group (AKG) sa Embahada ng Tsina sa Pilipinas para sa mabilis na ikareresolba ng kaso ng pagdukot at pagpatay sa dalawang Chinese executives sa Camarines Sur.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, makaraang iulat nito na may binabantayan nang Persons of Interest (POI) ang AKG na siyang posibleng nasa likod ng krimen.

Batay sa inisyal na impormasyon, Hunyo 20 nang dumating sa Pilipinas ang dalawang Chinese executives na kinilalang sina Xia Kefu at Jimmy Sing Sun at matapos nito’y bigla na lamang silang naglaho.

Nakipag-ugnayan ang Kidnap for Ransom Group sa pamilya ng mga biktima na nasa China para hu­mingi ng limang milyong Yuan subalit nasa tatlong milyong Yuan o katumbas ng P23-milyong piso ang naibigay sa kanila.

Makalipas ang isang linggo, natagpuan nang bangkay ang dalawang dayuhan sa bayan ng Sa- ngay at saka dinala sa isang punerarya sa Bayan ng Tigaon kung saan isinailalim ang mga iyon sa cremation.

Hinihintay na lamang ng pulisya ang resulta ng isinagawang otopsiya.

Show comments