Sa pagsasabing siya ay ‘Marites’…
MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ni Sen. Nancy Binay ang paghahain ng reklamo sa Senate Committee on Ethics laban kay Senator Alan Peter Cayetano matapos siyang tawagin na “Marites” sa imbestigasyon ng Senate New Building kamakalawa.
Inamin ni Binay na nagulat siya nang tawaging Marites ni Cayetano gayong ang pangalan niya ay Lourdes.
“I have to talk to my staff kung kailangan ba mag-file ng complaint sa ethics [committee]…Pag-aaralan natin. I have to check with my legal team kung kailangan pa,” ani Binay.
Sinabi pa ni Binay na matagal na silang magkasama sa Senado ni Cayetano at dapat ay isa iyong statesman na maayos magsagawa ng pagdinig.
Naging mainit ang palitan ng salita nina Cayetano at Binay kaugnay sa halaga ng itinatayong NSB na nag resulta upang mag walk-out sa pagdinig si Binay.
Ang salita o pangalang “Marities” ay nauso upang ilarawan ang isang tao na mahilig sa tsismis.
Sa patutsadahan nina Binay at Cayetano sa pagdining ng Senate on Accounts kamakalawa ipinaalala ni Cayetano na Lourdes ang pangalan ni Binay at hindi Marites.
“Ma’am basta sabihin ko sayo, Lourdes ang pangalan mo, hindi Marites. Kaya ayusin natin ito. Nakakahiya na,”ani Cayetano.
Sumagot naman si Binay na: “Hindi tayo Marites Mr. Chair.”